MENU

Mga Kadalasang TinatanongFAQ

Tungkol sa pagpaparehistro ng pagiging miyembro

Q. Paano ako magiging isang miyembro?

A. Paki punan ang naturang application form at dalhin ito ng diretso sa asosasyon, o maaring ipasa ito sa pamamagitan ng fax, mail or e-mail. Ang application form ay makukuha sa Ichinoseki International Assosiaction Office at maida-download din ito mula sa aming homepage.
(Para sa mga karagdagang detalye, Suriin dito)

Q. Anong uri ng mga bagay na maari kong gawin bilang isang miyembro?

A. Maagap na ipapaalam ng asosasyon sa iyo ang mga pagsasanay, seminar,kaganapan, etc. kaugnay sa palitan ng internasyonal na kung saan ay ikaw ay maaring sumali. At saka, maari kang makisali sa mga pagpapatakbo ng proyekto na nai-sponsor ng asosasyon.

Q. Maaari ba akong maging isang miyembro kahit na hindi ako isang mamamayan ng Ichinoseki?

A. Kahit sino ay pwedeng maging miyembro.

Q. Kakailanganin ko bang maging miyembro upang makasama sa mga kaganapan?

A. Maaari kang makisama kahit pa ikaw ay isang miyembro o hindi miyembro.

Tungkol sa pagrehistro bilang isang boluntaryo

Q. Kahit sino ba ay maaaring magparehistro bilang isang boluntaryo?

A. Kahit sino ay malugod na tatanggapin sa mga interesado sa palitan ng internasyonal.

(Para sa mga karagdagang detalye, Suriin dito)

Q. Nais ko magparehistro para sa volunteer bank; anong klaseng mga kategorya ang ang naroroon.

A. Ang aming asosasyon ay Palaging naghahanap ng mga sumusunod.

  1. Tagasalita/Tagasalin (ang taong may mataas na antas sa pakikipag-usap)
  2. Pinuno ng Kultura
  3. Wikang Banyaga/Pag-aaral ng Hapon (ang taong may kakayahang makapag turo ng wikang banyaga, ang taong may kakayahang makapag turo ng Hapon)
  4. Tagasuporta ng Hapon (ang wikang banyaga ay hindi na kinakailangan)
  5. Ang taong tumatanggap ng mga pananatili sa bahay (ang wikang banyaga ay hindi na kinakailangan)
  6. Boluntaryo para sa mga aktibidad sa relasyong pandaigdig.
    (Pagtulong sa mga kaganapan, ang wikang banyaga ay hindi kinakailangan)

Q. Paano ako pupunta sa pagparehistro

A. Punan ang “Volunteer Bank Registration form” application form pati narin ang iyong ginustong aplikasyon sa kategorya, at ipadala ang mga ito sa pamamagitan ng FAX, E-mail, sa post o sa personal. Ang application form ay makikita sa Ichinoseki International Association office at maari din itong mai-download sa aming homepage.

(Para sa mga karagdagang detalye, Suriin dito)

Tungkol sa pag konsulta para sa mga dayuhan

Q. anong uri ng mga bagay ang maaaring ikonsulta?

A. Huwag mag alinlangan na makipag-ugnayan sa amin kung mayroon kang anumang mga paghihirap sa mga bagay tulad nang pag-aaral ng Hapon o pag-unawa sa pangangalagang medikal.

Q. May bayad ba?

A. Walang bayad

Iba pa

Q. Mayroon bang paradahan?

A. Maaari mong gamitin ang paradahan ng Nano Hana Plaza at ng Ichinoseki Library, ngunit ang mga puwang ay limitado lamang.

twitterシェアボタン
fecebookシェアボタン
LINEシェアボタン